Hanes, Fruit of the Loom, Wrangler at Levi’s 501. Yan ang mga usong-usong suot ng mga guys nuong 80’s up to 90’s. Kumbaga astig ang dating mo pag yan ang suot mo. Late 80’s na nung una akong maka-encounter ng ukay-ukay shop dito sa may Fairview QC. Hindi pa nga yata ukay-ukay ang tawag kundi Thrift Shop. Isang tropa ang nag-tip sa amin na me ganitong shop na nagtitinda ng sobrang murang mga imported t-shirts at jeans.
At first ayaw namin maniwala. Until almost every week we saw him wearing cool get ups. Doon na kami naniwala at agad nagpunta sa thrift shop na yun. Halos mag fiesta kami sa daming pagpipiliang maong at mga t-shirts na imported. And before we knew it, halos ma-wreck na namin yung store sa sobrang kaka-halukay haha! Very challenging din kaya ang maghalukay dun sa tumpok ng mga damit at pantalon. (di pa uso naka-hanger that time) Tyempuhan din. Merong nakaka-swerte na 100% walang damage, yung iba naman sakto ang size (parang sinukat), yung iba naman me butas, madumi, or me punit but still pede pa ring pagtyagaan.
In the end, everyone of us bring home an ukay2 that day. At dun na nasundan ng nasundan ng nasundan ang pagbisita naming magbabarkada sa thrift shop na yun.




No Comment Received
Leave A Reply